Pretentious Poet
Sana mabigyan ako ng kakayahang maipakita ko sa’yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.
Sana maibalik na lang ang dating masaya pa tayo,
sana nandito ka pa at kasama kita.
Sana kahit sandali, makita at makasama ka pa.
Sana totoo na lang ang lahat ng ipinaramdam mo, edi hindi sana ako nagkakaganito.
Kung maibabalik ko lang sana, hindi kita bibigyan ng dahilan para makita mo ang dahilan ng paglayo ng pag-ibig mo.
Pero lahat ng sana ay isang malaking ilusyon na lang pala.
Bakit ka bigla na lang bumitaw, naiwan tuloy akong mag-isa?
Ginawa ko na ang lahat, pero hindi pa rin pala sapat.
Handa akong panindigan ang lahat ng ating plano kahit hindi ko man ito kabisado.
Ang plano natin ay biglang naglaho dahil pinili mong matupad ito sa iba.
Sana mabigyan man lang ng sagot ang lahat ng tanong sa isipan ko.
Edi hindi na sana ako umiiyak hanggang matapos ang tulang ito.
Wala na, distansya lang pala ang sumuko. Akala ko ba walang hanggan, pero bakit ngayon bumitaw ka?
Lahat ng alaala ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko—mga alaalang sinabi mong walang hanggan, pero bakit may dulo?
Pwede bang may sumagot sa lahat ng bakit? Ang sabi mong walang hanggan, pero bakit hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin ang sakit?
Iniwan mo akong mag-isa. Hindi mo ba alam kung gaano ako pinapatay ng paulit-ulit na sakit sa aking dibdib?
Pipilitin kong hindi na maulit ang pagkakamaling nagdudulot ng sakit.
Pero lahat ng ito ay isa na lamang sa mga katagang gusto ko pa ring marinig.
Makikiusap ako nang paulit-ulit, kahit sa panaginip na makita kang masaya—
iyan na lang ang aking iguguhit.
Comments
Post a Comment